Isang ‘Comprehensive Deputy Fish Warden Training’ ang ginanap sa bayan ng Calauag, Quezon sa pangunguna ng Fisheries Management Regulatory Enforcement Division (FMRED) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources CALABARZON. Ito ay sinimulan noong ika-16 hanggang ika-20 ng Enero.
Dalawamput’ anim (26) na mangingisda ng Calauag ang sumailalim sa pagsasanay at pagsusulit na pinamunuan nina Enforcement and Regional Monitoring Control and Surveillance Operations Center OIC Wilfredo Fajardo Jr at Training Specialist Leandro Menguito.
Tinalakay sa nasabing pagsasanay ang mga batas ng pangisdaan sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 8550 as amended by RA No. 10654. Itinuro rin sa mga kalahok ang pagtukoy at paggamit ng iba’t-ibang uri ng fishing gear, fishing boat at mga pangunahing kaalaman sa pagiging Bantay-Dagat. Ito ay bilang pagsunod sa Sec. 158.1 ng RA 10654.
Maliban sa pagsasanay, nagsagawa rin ng paggagawad ng parangal sa mga Bantay-Dagat na nagpamalas ng kanilang tapang at dedikasyon sa paghuli ng mga ipinagbabawal na hulbot-hulbot sa nasabing bayan noong Nobyembre 27, 2022.
Ang nasabing pagsasanay ay bilang pagtugon sa kahilingan at inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Calauag na mas mapaigting ang pamamahala at pagprotekta sa yamang-tubig at nasasakupang katubigan ng bayan