#SeafoodKADIWA | Muli na namang magkakaroon ng “Seafood KADIWA ni Ani at Kita on Wheels” ngayong darating na February 24, 2022 simula alas-7 ng umaga sa BFAR Complex, Vasra, Quezon City.Ang “Seafood KADIWA ni Ani at Kita on Wheels,” sa pamamagitan ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), ay ang mobile seafood segment ng “KADIWA ni Ani at Kita” kung saan makakabili ng mura at sariwang mga isda kagaya ng Bangus, Tilapia, at Hipon at iba pang produktong pangisdaan. Ang layunin ng Seafood KADIWA ni Ani at Kita on Wheels ay suportahan ang mga maliliit na mangingisda sa pamamagitan ng paghatid ng kanilang mga produkto direkta sa mga mamimili. Bilang pagsunod sa health protocol, huwag kalimutang magsuot ng facemask. Maraming salamat!

#BFARSeafoodKADIWA

#KADIWAniAniatKita

#SKW2022