Kayo ang bida ngayon!

 
Ngayong araw, binibigyang-pugay ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang mga magigiting na Pilipinong mangingisda na katuwang ng pamahalaan sa pangangalaga ng pangisdaan sa pagdiriwang ng ika-23 taong selebrasyon ng Araw ng mga Mangingisda.
 
 
Mahalagang papel ang ginagampanan ng ating mga bayaning mangingisda sa pagkamit ng seguridad sa pagkain at sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang sektor ng mga mangingisda ay isa sa mga naging sandigan ng bansa sa panahon ng iba’t ibang krisis at pagsubok. Kung kaya’t ang pamahalaan, sa pamamagitan ng BFAR, ay patuloy na magsusumikap upang ang ating adhikain na isang maunlad at progresibong industriya ng pangisdaan para sa mga Pilipino ay ating maisakatuparan.
 
 
Pagpupugay at pasasalamat sa ating mga mangingisda sa kanilang katatagan na harapin ang tadhana sa laot at paghampas ng alon ng buhay.