Kaisa sa konsultasyon sina Zaldy Perez, DA-BFAR Assistant Director, Dr. Noemi Lanzuela, BFAR-NCR Regional Director, Sammy Malvas, BFAR-IV-A Regional Director, at Nazario Briguera, DA-BFAR Information Chief. Bahagi rin sina Fernando Hicap, National Chair ng PAMALAKAYA, Angelo Aguinaldo, Municipal Mayor ng Kawit, at Resty Layola, Chairman ng Committee of Agriculture and Fisheries.
Isinulong ng BFAR ang paglalaan ng mga sustenableng pangkabuhayan ayon sa mandato ng ahensya. Binigyang-diin din sa mga dumalong mangingisda ang kahalagahan ng pagpaparehistro sa Municipal Fisherfolk Registration System sa LGU na kinabibilangan upang maging lehitimong benepisyaryo ng mga programa ng pamahalaan. Bukod dito, ipinahayag ng BFAR ang kanilang plano na makipag-ugnayan sa ibang mga ahensya, katulad ng DSWD, DOLE, at iba pa, upang mas maging komprehensibo ang pagbibigay ng ayuda at pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan sa mga apektadong komunidad.
Sa kanilang mga mensahe, sinabi ng mga kinatawan ng BFAR na bukas ang ahensya para sa mga susunod pa na hakbang at diyalogo. “Sa open communication, masosolusyonan ang mga problema na nakaharap sa atin,” pahayag ni Assistant Director Zaldy Perez.